-
Gawa 2:46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
46 At araw-araw silang nagtitipon sa templo. Masayang-masaya sila habang kumakain sa iba’t ibang tahanan at nagbibigayan ng pagkain, at ginagawa nila ito nang bukal sa puso
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa iba’t ibang tahanan: O “sa bahay-bahay.” Dito, ang pagkakagamit ng pang-ukol na ka·taʹ sa pariralang Griego na katʼ oiʹkon (lit., “ayon sa bahay”) ay nagpapakitang nagpapalipat-lipat sila ng bahay. Lumilitaw na sa panahong ito ng pangangailangan, nagkikita-kita ang mga alagad at nagsasalo-salo sa iba’t ibang bahay ng mga kapananampalataya nila na nakatira sa Jerusalem at sa palibot nito.—Tingnan ang study note sa Gaw 5:42; 20:20.
-