Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 3:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 samantalang pinatay ninyo ang Punong Kinatawan para sa buhay.+ Pero binuhay siyang muli ng Diyos,* at nasaksihan namin iyon.+

  • Gawa 3:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 samantalang pinatay ninyo ang Punong Ahente ng buhay.+ Ngunit ibinangon siya ng Diyos mula sa mga patay, na sa bagay na ito ay mga saksi kami.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 3:15

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1208

      Bagong Sanlibutang Salin (nwt), p. 1965

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:15

      Punong Kinatawan: Ang terminong Griego na ginamit dito (ar·khe·gosʹ) ay pangunahin nang nangangahulugang “punong lider; nangunguna.” Apat na beses itong ginamit sa Bibliya, at lagi itong tumutukoy kay Jesus. (Gaw 3:15; 5:31; Heb 2:10; 12:2) Ang salitang Griegong ito ay puwede ring tumukoy sa isa na nangunguna sa paghanap ng madadaanan o sa paggawa ng isang bagong bagay, at inihahanda niya ang mga bagay-bagay para sa iba. Dahil si Jesus ang Tagapamagitan ng Diyos at mga tao at ipinakita niya ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, angkop lang na tawagin si Jesus na ang Punong Kinatawan para sa buhay. Ang ekspresyong isinaling “Punong Kinatawan” ay nagpapakitang opisyal siyang itinalaga bilang lider o pinuno. (Isang kaugnay na salita ang ginamit sa Gaw 7:27, 35 para tumukoy kay Moises bilang “tagapamahala” ng Israel.) Makikita sa pagkakagamit ng terminong ito dito na gagamitin siya ng Diyos para isakatuparan ang layunin Niya. Si Jesus ay naging “pantubos” kapalit ng marami. (1Ti 2:5, 6; Mat 20:28; Gaw 4:12) Pagkabuhay-muli kay Jesus, magagamit na niya ang bisa ng pantubos bilang Mataas na Saserdote at Hukom. Dahil sa sakripisyo niya, puwedeng mapalaya sa kasalanan at kamatayan ang mga taong nananampalataya dito. Kaya magaganap ang pagkabuhay-muli ng mga patay sa pamamagitan ni Jesus. (Ju 5:28, 29; 6:39, 40) Sa ganitong paraan niya binuksan ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. (Ju 11:25; 14:6; Heb 5:9; 10:19, 20) Sa ilang Bibliya, isinalin ang ekspresyong ito na “Awtor” o “Tagapagpasimula” ng buhay, pero malinaw na ipinapakita ng Bibliya na hindi para kay Jesus ang mga titulong ito dahil galing sa Diyos ang kaniyang buhay at awtoridad at ginagamit lang siya ng Diyos.—Aw 36:9; Ju 6:57; Gaw 17:26-28; Col 1:15; Apo 3:14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share