Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 kasama si Anas+ na punong saserdote, si Caifas,+ si Juan, si Alejandro, at ang lahat ng kamag-anak ng punong saserdote.

  • Gawa 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 (gayundin si Anas+ na punong saserdote at si Caifas+ at si Juan at si Alejandro at ang lahat ng mga kaanak ng punong saserdote),

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:6

      Ang Bantayan,

      4/1/2012, p. 9

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:6

      Anas na punong saserdote: Si Anas ay itinalagang mataas na saserdote ng Romanong gobernador ng Sirya na si Quirinio noong mga 6 o 7 C.E., at naglingkod siya hanggang mga 15 C.E. Kahit noong inalis na ng mga Romano si Anas bilang mataas na saserdote, lumilitaw na naging makapangyarihan at maimpluwensiya pa rin siya dahil sa pagiging mataas na saserdote niya noon at pinapakinggan pa rin siya ng mga prominenteng Judio. Lima sa mga anak niyang lalaki ang naglingkod bilang mataas na saserdote, at ang manugang niyang si Caifas ay naging mataas na saserdote mula mga 18 C.E. hanggang mga 36 C.E. (Tingnan ang study note sa Luc 3:2.) Sa Ju 18:13, 19, tinukoy si Anas bilang “punong saserdote.” Ang salitang Griego na ginamit dito, ar·khi·e·reusʹ, ay puwedeng tumukoy sa kasalukuyang mataas na saserdote at sa isang prominenteng saserdote, gaya ng isa na dating naglilingkod bilang mataas na saserdote.—Tingnan sa Glosari, “Punong saserdote.”

      Caifas: Ang mataas na saserdoteng ito, na inatasan ng mga Romano, ay isang mahusay na diplomatiko na nanungkulan nang mas mahaba kaysa sa mga nauna sa kaniya. Itinalaga siya noong mga 18 C.E. at nanatili sa puwesto hanggang mga 36 C.E. Nilitis niya si Jesus, at pagkatapos ay ibinigay niya si Jesus kay Pilato. (Mat 26:3, 57; Ju 11:49; 18:13, 14, 24, 28) Dito lang binanggit ang pangalan niya sa aklat ng Gawa. Sa ibang teksto sa Gawa, tinukoy siya bilang “mataas na saserdote.”—Gaw 5:17, 21, 27; 7:1; 9:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share