Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 4:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At nagkakaisa ang puso at isip ng lahat ng nanampalataya, at walang isa man sa kanila ang nag-isip na ang mga pag-aari niya ay para lang sa sarili niya, kundi ibinabahagi nila sa isa’t isa ang anumang taglay nila.+

  • Gawa 4:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Bukod diyan, ang karamihan niyaong mga naniwala ay may iisang puso at kaluluwa,+ at wala ni isa man ang nagsabi na ang alinman sa mga bagay na pag-aari niya ay sa kaniyang sarili; kundi taglay nila ang lahat ng bagay para sa lahat.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:32

      Ang Bantayan,

      12/1/1990, p. 24-25

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:32

      nagkakaisa ang puso at isip: Lit., “iisa ang puso at kaluluwa.” Tumutukoy ito sa pagkakaisa ng lahat ng mánanampalatayá. Sa Fil 1:27, may kahawig na ekspresyong ginamit na isinaling “nagkakaisa” at puwede ring isaling “may iisang layunin” o “bilang iisang tao.” Sa Hebreong Kasulatan, ginamit ang ekspresyong “iisa ang (iisang) puso” sa 1Cr 12:38, tlb., at sa 2Cr 30:12, tlb., para ipakita na iisa ang gusto ng mga tao at nagkakaisa sila sa pagkilos. Gayundin, ang ekspresyong “puso” at “kaluluwa” ay madalas banggiting magkasama para tumukoy sa buong panloob na pagkatao. (Deu 4:29; 6:5; 10:12; 11:13; 26:16; 30:2, 6, 10) Ganito rin ang pagkakagamit ng pariralang Griego sa tekstong ito, at puwede itong isaling “lubusan silang nagkakaisa sa pag-iisip at layunin.” Kaayon ito ng panalangin ni Jesus na magkaisa ang mga tagasunod niya kahit magkakaiba ang pinagmulan nila.—Ju 17:21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share