Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 5:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Takot na takot ang buong kongregasyon at ang lahat ng nakabalita sa nangyari.

  • Gawa 5:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil dito ay sinapitan ng malaking takot ang buong kongregasyon at ang lahat ng mga nakarinig ng tungkol sa mga bagay na ito.

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5:11

      kongregasyon: Ito ang unang paglitaw ng terminong Griego na ek·kle·siʹa sa aklat ng Gawa. Mula ito sa dalawang salitang Griego na ek, na nangangahulugang “labas,” at ka·leʹo, na nangangahulugang “tawagin.” Tumutukoy ito sa grupo ng mga tao na tinawag at tinipon para sa isang layunin o gawain, kaya angkop ang terminong ito sa bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano. (Tingnan sa Glosari.) Ang salitang ek·kle·siʹa ay ginamit sa Mat 16:18 (tingnan ang study note), kung saan inihula ni Jesus ang pagtatatag ng kongregasyong Kristiyano, na binubuo ng mga pinahirang Kristiyano. Sila ay mga buháy na bato na “itinatayo bilang isang espirituwal na bahay.” (1Pe 2:4, 5) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong ito ay hindi lang tumutukoy sa lahat ng pinahirang Kristiyano, kundi pati sa lahat ng Kristiyanong nakatira sa isang lugar o sa mga Kristiyanong miyembro ng isang partikular na kongregasyon. Batay sa konteksto ng Gaw 5:11, ang terminong ito ay tumutukoy sa kongregasyong Kristiyano sa Jerusalem.—Tingnan ang study note sa Gaw 7:38.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share