-
Gawa 5:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Pagkarinig nito, sila ay pumasok sa templo nang magbukang-liwayway at nagsimulang magturo.
At nang dumating ang mataas na saserdote at ang mga kasama niya, tinipon nila ang Sanedrin at ang buong kapulungan ng matatandang lalaki ng mga anak ni Israel,+ at nagsugo sila sa piitan upang dalhin ang mga ito.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lahat ng matatandang lalaki: O “buong sanggunian (lupon) ng matatandang lalaki.” Ang salitang Griego na ginamit dito, ge·rou·siʹa, ay kaugnay ng terminong geʹron na ginamit sa Ju 3:4 para tumukoy sa isang may-edad. Ang mga terminong ito ay parehong isang beses lang ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ipinapalagay ng ilan na ang “lahat ng matatandang lalaki” ay tumutukoy rin sa Sanedrin, ang mataas na hukumang Judio sa Jerusalem na binubuo ng mga punong saserdote, eskriba, at matatandang lalaki. (Tingnan ang study note sa Luc 22:66.) Pero sa kontekstong ito, ang mga ekspresyong “Sanedrin” at “lahat ng matatandang lalaki” ay lumilitaw na tumutukoy sa magkaibang grupo. Gayunman, posibleng ang ilan sa “matatandang lalaki” ay miyembro din ng Sanedrin o tagapayo nito.
bayang Israel: O “mga Israelita.” Lit., “mga anak ni Israel.”—Tingnan sa Glosari, “Israel.”
-