-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Esteban, . . . Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas: Ang pitong pangalang ito ay Griego, kaya posibleng sa lahat ng kuwalipikadong lalaki sa kongregasyon sa Jerusalem, ang pinili ng mga apostol ay mga Judiong nagsasalita ng Griego o mga proselita. Pero si Nicolas lang ang tinawag na proselita mula sa Antioquia, kaya posibleng siya lang ang di-Judio sa grupong ito. Ang iba pang Griegong pangalan na nabanggit ay karaniwan lang kahit sa likas na mga Judio. Ang mga lalaking ito ay malamang na pinili ng mga apostol, na nagsisilbing lupong tagapamahala noon, dahil iniisip nila ang nararamdaman ng mga Judiong nagsasalita ng Griego.—Gaw 6:1-6.
Antioquia: Ang lunsod na ito, na unang nabanggit sa Bibliya sa talatang ito, ay matatagpuan mga 500 km (300 mi) sa hilaga ng Jerusalem. Ang Antioquia ay naging kabisera ng Romanong lalawigan ng Sirya noong 64 B.C.E. Pagdating ng unang siglo C.E., ito na ang ikatlo sa pinakamalaking lunsod sa Imperyo ng Roma, kasunod ng Roma at Alejandria. Napakaganda ng Antioquia ng Sirya at malaki ang impluwensiya nito sa politika, komersiyo, at kultura, pero kilalá rin ito sa bagsak na pamantayang moral. Malaki ang populasyon ng mga Judio sa Antioquia, at sinasabing nakatulong sila para maging proselita ang maraming nakatira doon na nagsasalita ng Griego. Isa sa mga naging proselita si Nicolas, at nang maglaon ay nakumberte siya sa Kristiyanismo. Isang taon na nagturo sa Antioquia sina Bernabe at apostol Pablo, at ito ang naging pinakatirahan ni Pablo noong magsimula siyang maglakbay bilang misyonero. Sa Antioquia “unang tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad [ni Kristo] sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos.” (Tingnan ang mga study note sa Gaw 11:26.) Iba ito sa Antioquia sa Pisidia, na binanggit sa Gaw 13:14.—Tingnan ang study note sa Gaw 13:14 at Ap. B13.
-