-
Gawa 6:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Pero may ilang lalaki na miyembro ng Sinagoga ng mga Pinalaya, kasama ang ilan mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia, na lumapit kay Esteban para makipagtalo.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Sinagoga ng mga Pinalaya: Sa ilalim ng pamamahala ng Roma, ang isang taong “pinalaya” ay tumutukoy sa alipin noon na malaya na. Sinasabing ang mga miyembro ng sinagogang ito ay mga pinalayang Judio na bihag noon ng Roma. Sinasabi naman ng iba na ang mga ito ay mga pinalayang alipin na naging mga proselitang Judio.
-