-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Umalis ka sa iyong lupain: Noong nagsasalita si Esteban sa harap ng Sanedrin, sinabi niya na natanggap ni Abraham ang utos na ito nang “ang maluwalhating Diyos ay nagpakita sa ninuno nating si Abraham habang nasa Mesopotamia siya, bago siya tumira sa Haran.” (Gaw 7:2) Si Abraham (dating tinatawag na Abram) ay unang tumira sa Caldeong lunsod ng Ur. Lumilitaw sa sinabi ni Esteban na dito unang ibinigay kay Abraham ang utos na umalis sa tirahan niya. (Gen 11:28, 29, 31; 15:7; 17:5; Ne 9:7) Kung pagbabatayan ang ulat sa Gen 11:31–12:3, para bang ibinigay ang utos na ito pagkamatay ng ama ni Abraham na si Tera, noong pansamantalang naninirahan si Abraham sa Haran. Pero kung pagsasamahin ang ulat na ito at ang sinabi ni Esteban, makatuwirang isipin na ibinigay ni Jehova kay Abraham ang utos na ito noong nakatira pa siya sa Ur at inulit lang ito ng Diyos noong nakatira na siya sa Haran.
-