-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
napakaganda: Ang ekspresyong Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “maganda sa Diyos.” Kahawig ito ng idyomang Semitiko na ginagamit para tumukoy sa sukdulang antas. Sa kontekstong ito, puwede itong tumukoy sa pagiging “napakaganda” at “maganda sa paningin ng Diyos.” (Ihambing ang Exo 2:2.) Sinasabi ng ilang iskolar na ang ekspresyong ito ay hindi lang tumutukoy sa panlabas na hitsura ng isang tao, kundi pati sa panloob na katangiang nakikita ng Diyos sa kaniya. Ganito rin ang istilong ginamit sa Jon 3:3, kung saan ayon sa literal na salin ng tekstong Hebreo, ang Nineve ay inilarawan bilang “isang lunsod na dakila sa Diyos,” na nangangahulugang ito ay “isang napakalaking lunsod.”—Para sa ibang halimbawa, tingnan ang Gen 23:6; tlb.; Aw 36:6; tlb.
-