-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tinig ni Jehova: Ang tinutukoy dito ni Esteban (Gaw 7:30-33) ay ang ulat sa Exo 3:2-10. Sa talata 4, tinawag ni “Jehova” si Moises sa pamamagitan ng Kaniyang anghel, at sa talata 6, makikita ang pananalita ni “Jehova” na sinipi sa Gaw 7:32. Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang pariralang “tinig ni Jehova,” at kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “tinig” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa nito ay nasa Gen 3:8; Exo 15:26; Deu 5:25; 8:20; 15:5; 18:16; 26:14; 27:10; 28:1, 62; Jos 5:6; 1Sa 12:15; 1Ha 20:36; Aw 106:25; Isa 30:31; Jer 3:25; Dan 9:10; Zac 6:15.) Kapansin-pansin na nang lumitaw ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa Deu 26:14; 27:10; 28:1, 62 sa isang piraso ng Griegong Septuagint (sa koleksiyong Papyrus Fouad Inv. 266) na mula noong unang siglo B.C.E., nakasulat ang pangalan ng Diyos sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang mga dahilan kung bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa mismong teksto, kahit na “tinig ng Panginoon” ang mababasa sa Gaw 7:31 sa natitirang mga manuskritong Griego, ay ipinaliwanag sa Ap. C1 at introduksiyon sa C3; Gaw 7:31.
-