-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga anak ni Israel: O “bayang Israel; mga Israelita.”—Tingnan sa Glosari, “Israel.”
Diyos: Sa pagsiping ito sa Deu 18:15, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo, at ang mababasa ay “Diyos ninyong si Jehova.” Hindi kumpleto ang pagsipi ni Esteban; ginamit lang niya ang salita para sa “Diyos.” Sinipi rin ito ni Pedro sa Gaw 3:22, pero ang ginamit niya ay ang buong ekspresyon na “Diyos ninyong si Jehova.” (Tingnan ang study note sa Gaw 3:22.) May ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit dito ng pangalan ng Diyos at ang mababasa ay “Diyos ninyong si Jehova” (J7, 8, 10-17) o “Diyos na Jehova” (J28). (Tingnan ang Ap. C4.) May ilang manuskritong Griego na gumamit din ng ekspresyon na puwedeng isaling “Panginoong Diyos” o “Diyos na Jehova,” batay sa mga dahilang binanggit sa Ap. C. Pero “Diyos” lang ang mababasa sa karamihan ng mga manuskritong Griego at sinaunang salin.
-