-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tolda ng patotoo: O “tabernakulo ng patotoo.” Sa Septuagint, na posibleng nakaimpluwensiya sa paraan ng pagsulat ni Lucas sa talatang ito, ang ekspresyong ito ay ginamit para isalin ang terminong Hebreo para sa “tolda ng pagpupulong.” (Exo 27:21; 28:43; Bil 1:1) Noong nasa ilang ang mga Israelita, nasa toldang ito ang kaban ng tipan, na naglalaman ng “dalawang tapyas ng Patotoo.” Sa mga kontekstong ito, ang terminong “Patotoo” ay kadalasan nang tumutukoy sa Sampung Utos na nakasulat sa mga tapyas ng bato. (Exo 25:16, 21, 22; 31:18; 32:15) Ang terminong Hebreo para sa “patotoo” ay puwede ring isaling “paalala.” Ang kaban ay nagsilbing banal na taguan ng mga sagradong paalala o patotoo.—Tingnan sa Glosari, “Kaban ng tipan” at “Kabanal-banalan.”
parisang: O “disenyong.” Ang kahulugan ng salitang Griego na ginamit dito, tyʹpos, ay kapareho ng kahulugan ng tyʹpos sa Heb 8:5 at sa salin ng Septuagint sa Exo 25:40.
-