-
Gawa 7:54Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
54 Pagkarinig nito, galit na galit sila sa kaniya at nagngalit ang mga ngipin nila.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
galit na galit sila sa kaniya: O “para niya silang sinugatan.” Ang ekspresyong Griego na ito ay dito lang lumitaw at sa Gaw 5:33. Literal itong nangangahulugang “lagariin,” pero makasagisag ang pagkakagamit nito sa parehong teksto—inilalarawan nito ang isang matinding damdamin.
nagngalit ang mga ngipin nila: Nagpapahiwatig ito ng matinding stress, kawalan ng pag-asa, o galit, na posibleng may kasama pang pagsasalita ng masakit at marahas na paggawi. Sa kontekstong ito, maliwanag na tumutukoy ito sa matinding galit.—Job 16:9; tingnan ang study note sa Mat 8:12.
-