-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jehova: Sa mga natitirang manuskritong Griego, “Panginoon” (Kyʹri·os) ang ginamit dito. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang titulong ito ay madalas na tumutukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Dito, maliwanag na tumutukoy ito sa Diyos na Jehova dahil sa sumusunod na mga dahilan: Inulit lang ni Esteban dito ang sinabi ni Jesus sa kaniyang Ama na nasa Luc 23:34: “Ama, patawarin mo sila, dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.” Nang iulat ni Lucas sa Gaw 7:2-53 ang sinabi ni Esteban, tatlong beses niyang ginamit ang terminong Kyʹri·os. Ang tatlong paglitaw na iyon ay mula sa Hebreong Kasulatan at maliwanag na tumutukoy sa Diyos. (Tingnan ang study note sa Gaw 7:31, 33, 49.) Maraming komentarista at tagapagsalin ang naniniwala na sa mga kontekstong ito, ang Kyʹri·os ay tumutukoy kay Jehova. (Tingnan ang Ap. C.) Lumitaw rin ang terminong Kyʹri·os sa Gaw 7:59, pero doon, maliwanag na ang tinatawag ni Esteban ay ang “Panginoong Jesus.” Gayunman, hindi ibig sabihin nito na kay Jesus din tumutukoy ang Kyʹri·os sa Gaw 7:60, gaya ng sinasabi ng ilan. Ang mga sinabi ni Esteban sa talata 59 at talata 60 ay hindi magkarugtong. Nakatayo noong una si Esteban, kaya noong lumuhod siya sa harap ng mga kaaway niya, malamang na ginawa niya ito para manalangin kay Jehova. (Ihambing ang Luc 22:41; Gaw 9:40; 20:36; 21:5, kung saan ang pagluhod ay iniuugnay sa pananalangin sa Diyos.) Kaya lumilitaw na ang huling mga sinabi ni Esteban ay panalangin sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, si Jehova. Bukod diyan, sinasabi sa Gaw 7:56 na nakita ni Esteban na “bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao,” kaya makatuwirang isipin na kausap niya si Jesus sa talata 59 at si Jehova naman sa talata 60. Maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J17, 18, 22, 23 sa Ap. C4) ang gumamit ng Tetragrammaton sa talata 60, pero hindi ito ginamit sa talata 59 para ipanumbas sa ekspresyong “Panginoong Jesus.”—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 7:60.
namatay siya: Sa Kasulatan, ginagamit ang ekspresyong “natutulog” para tumukoy sa literal na pagtulog (Mat 28:13; Luc 22:45; Ju 11:12; Gaw 12:6) at sa pagtulog sa kamatayan (Ju 11:11; Gaw 7:60; tlb.; 13:36; tlb.; 1Co 7:39; tlb.; 15:6; tlb.; 1Co 15:51; 2Pe 3:4; tlb.). Kapag ginagamit ang mga ekspresyong ito may kaugnayan sa kamatayan, madalas gamitin ng mga tagapagsalin ng Bibliya ang pananalitang “natulog sa kamatayan” o “namatay” para hindi malito ang mga mambabasa. Sa Kasulatan, ang terminong “natutulog” ay ginagamit sa makasagisag na paraan para tumukoy sa mga namatay dahil sa kasalanan at kamatayan na naipasa ni Adan.—Tingnan ang study note sa Mar 5:39; Ju 11:11.
-