Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 8:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At si Felipe ay pumunta sa lunsod* ng Samaria+ at ipinangaral niya sa mga tagaroon ang Kristo.

  • Gawa 8:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Si Felipe, halimbawa, ay bumaba sa lunsod ng Samaria+ at pinasimulang ipangaral sa kanila ang Kristo.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 8:5

      Lubusang Magpatotoo, p. 52-53

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 281

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:5

      Felipe: Ayon sa Gaw 8:1, “ang lahat maliban sa mga apostol ay nangalat sa Judea at Samaria.” Kaya ang Felipe na binabanggit dito ay hindi si apostol Felipe. (Mat 10:3; Gaw 1:13) Lumilitaw na ito ang Felipe na kasama sa “pitong lalaki . . . na may mabuting reputasyon” na inatasang organisahin ang araw-araw na pamamahagi ng pagkain sa mga Kristiyanong biyuda na nagsasalita ng Griego at mga Kristiyanong biyuda na nagsasalita ng Hebreo sa Jerusalem. (Gaw 6:1-6) Pagkatapos ng mga pangyayaring nakaulat sa Gawa kabanata 8, isang beses na lang binanggit si Felipe, sa Gaw 21:8, kung saan tinawag siyang “Felipe na ebanghelisador.”—Tingnan ang study note sa Gaw 21:8.

      sa lunsod: O “sa isang lunsod,” ayon sa ilang manuskrito. Lumilitaw na tumutukoy ito sa pangunahing lunsod ng Romanong distrito ng Samaria. Ang pangalang Samaria ay tumutukoy noong una sa kabiserang lunsod ng 10-tribong kaharian ng Israel at sa buong teritoryo ng kahariang iyon. Ang Samaria ang kabisera ng kahariang iyon hanggang noong wasakin ito ng mga Asiryano noong 740 B.C.E. Pero nanatili ang lunsod na ito hanggang noong panahon ng mga Romano, at noong panahon ni Jesus, Samaria ang pangalan ng Romanong distrito na nasa pagitan ng Galilea sa hilaga at Judea sa timog. (Tingnan sa Glosari, “Samaria.”) Itinayong muli ni Herodes na Dakila ang lunsod ng Samaria at pinangalanan itong Sebaste bilang parangal sa Romanong emperador na si Augusto. (Sebaste ang pambabaeng anyo sa Griego ng pangalang Latin na Augusto.) Ang pangalang ibinigay dito ni Herodes ay makikita pa rin sa pangalang Arabe nito na Sabastiya.—Tingnan ang Ap. B10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share