-
Gawa 8:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Nang makita ni Simon na nakatatanggap ng espiritu ang mga tao dahil sa pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol, inalok niya sila ng pera
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Simon . . . inalok niya sila ng pera: Galing sa ulat na ito ng Bibliya ang terminong “simoniya,” na tumutukoy sa pagbili o pagbebenta ng posisyon, partikular nang may kaugnayan sa relihiyon. Ipinapakita ng sagot ni Pedro kay Simon, na nakaulat sa Gaw 8:20-24, na dapat mag-ingat ang mga Kristiyano sa masamang gawaing ito. Hindi sila dapat manuhol ng pera o ng anumang bagay para lang makakuha ng “awtoridad.”—Gaw 8:19; 1Pe 5:1-3.
-