-
Gawa 8:36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 At habang nagpapatuloy sila sa paglalakbay, nakarating sila sa isang lugar na may tubig, at sinabi ng mataas na opisyal: “Tingnan mo, may tubig dito; ano ang nakahahadlang sa akin na magpabautismo?”
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
magpabautismo: O “magpalubog.” Ang salitang Griego na ba·ptiʹzo ay nangangahulugang “ilublob; ilubog.” Makikita sa konteksto na ang pagbabautismo ay lubusang paglulubog. Kung pagbubuhos o pagwiwisik lang ng tubig ang kailangan, hindi na sana pinahinto ng mataas na opisyal ang karwahe sa isang lugar na may tubig, dahil malamang na may dala na siyang tubig kasi naglalakbay siya sa disyerto. Hindi sinabi sa ulat kung iyon ay isang ilog, batis, o maliit na lawa, pero binanggit dito na “lumusong sa tubig ang mataas na opisyal at si Felipe.” (Gaw 8:38) Ipinapakita ng iba pang ulat sa Bibliya na ang pagbabautismo ay lubusang paglulubog sa tubig. Halimbawa, binautismuhan si Jesus sa isang ilog, sa Jordan. Sa isang pagkakataon, pinili ni Juan Bautista na magbautismo sa isang lugar sa Lambak ng Jordan malapit sa Salim “dahil may malaking katubigan doon.” (Ju 3:23) Kapansin-pansin din na ang salitang Griego na ba·ptiʹzo ang ginamit ng Septuagint sa 2Ha 5:14 nang sabihin nitong “lumublob [si Naaman] sa Jordan nang pitong beses.” Gayundin, inihahalintulad ng Kasulatan ang bautismo sa paglilibing, na nagpapakitang ang taong binabautismuhan ay lubusang inilulubog.—Ro 6:4-6; Col 2:12.
-