Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 at humingi ng mga liham na puwede niyang ipakita sa mga sinagoga* sa Damasco para maaresto niya at madala sa Jerusalem ang sinumang mahanap niya na kabilang sa Daan,+ kapuwa mga lalaki at babae.

  • Gawa 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 at humingi sa kaniya ng mga liham para sa mga sinagoga sa Damasco, upang madala niyang nakagapos sa Jerusalem ang sinumang masumpungan niyang kabilang sa Daan,+ kapuwa mga lalaki at mga babae.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:2

      Lubusang Magpatotoo, p. 60-61

      Kaunawaan, p. 512, 517

      Ang Bantayan,

      1/15/2000, p. 27

      6/1/1990, p. 18

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:2

      liham: Noong unang siglo C.E., ginagamit ang mga liham mula sa mapagkakatiwalaang mga tao para ipakilala ang isang estranghero o makumpirma ang pagkakakilanlan o awtoridad niya. (Ro 16:1; 2Co 3:1-3) Ganiyan ang liham na tinutukoy ng mga Judio noon sa Roma. (Gaw 28:21) Ang mga liham na hiningi ni Saul sa mataas na saserdote at ibinigay sa mga sinagoga sa Damasco ay nagbigay ng awtoridad sa kaniya na pag-usigin ang mga Judiong Kristiyano sa lunsod na iyon. (Gaw 9:1, 2) Lumilitaw na sa mga liham na hiningi ni Saul, hinihilingan ang mga sinagoga sa Damasco na makipagtulungan sa kaniya sa pag-uusig sa mga Kristiyano.

      Damasco: Ang Damasco ay makikita ngayon sa Syria at sinasabing isa sa pinakamatatandang lunsod sa mundo na tinitirhan pa rin mula nang itatag ito. Posibleng dumaan dito ang patriyarkang si Abraham noong naglalakbay siya patimog papuntang Canaan. At noon niya kinuha si Eliezer, na “taga-Damasco,” para maging lingkod sa kaniyang sambahayan. (Gen 15:2) Makalipas ang halos isang libong taon, nabanggit ulit sa Bibliya ang Damasco. (Tingnan sa Glosari, “Aram; Arameano.”) Nang panahong iyon, nakipagdigma ang mga Siryano (Arameano) sa Israel, at naging magkaaway ang dalawang bansang ito. (1Ha 11:23-25) Noong unang siglo, ang Damasco ay parte ng Romanong lalawigan ng Sirya. Noon, may mga sinagoga na at mga 20,000 Judio sa Damasco. Posibleng pinuntirya ni Saul ang mga Kristiyano sa Damasco dahil nasa sentro ito ng pangunahing mga ruta at natatakot siyang mabilis na kumalat ang turo ng mga Kristiyano mula sa lunsod na iyon.—Tingnan ang Ap. B13.

      Daan: Sa aklat ng Gawa, tumutukoy ito sa Kristiyanong paraan ng pamumuhay at sa kongregasyong Kristiyano noon. Posibleng galing ito sa sinabi ni Jesus sa Ju 14:6: “Ako ang daan.” Ang mga tagasunod ni Jesus ay sinasabing miyembro ng “Daan,” dahil tinutularan nila ang paraan ng pamumuhay ni Jesus. (Gaw 19:9) Umikot ang buhay niya sa pagsamba sa tanging tunay na Diyos, si Jehova. Para sa mga Kristiyano, ang ganitong paraan ng pamumuhay ay nakapokus din sa pananampalataya kay Jesu-Kristo. Mga ilang panahon pagkatapos ng 44 C.E. sa Antioquia ng Sirya, “tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad [ni Jesus] sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos.” (Gaw 11:26) Pero kahit tinatawag na sila noong mga Kristiyano, tinukoy pa rin ni Lucas ang kongregasyon bilang ang “Daan” o “Daang ito.”—Gaw 19:23; 22:4; 24:22; tingnan ang study note sa Gaw 18:25; 19:23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share