-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Tabita: Ang ibig sabihin ng pangalang Aramaiko na Tabita ay “Gasela,” at lumilitaw na katumbas ito ng salitang Hebreo (tsevi·yahʹ) na nangangahulugang “babaeng gasela.” (Sol 4:5; 7:3) Ang pangalang Griego na Dorcas ay nangangahulugan ding “Gasela.” Sa daungang gaya ng Jope, kung saan parehong may mga Judio at Gentil, posibleng kilalá si Tabita sa dalawang pangalan niya, depende sa wikang ginagamit. Pero posible ring isinalin ni Lucas ang pangalang ito para sa mga mambabasang Gentil.
-