-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bubungan ng bahay: Ang bubungan ng mga bahay noon ay patag at puwedeng gamitin na imbakan (Jos 2:6), pahingahan (2Sa 11:2), at tulugan (1Sa 9:26). Puwede rin itong gamitin para sa mga kapistahan ng pagsamba (Ne 8:16-18) at sa pananalangin nang pribado. Nang manalangin si Pedro sa bubungan ng bahay, hindi siya gaya ng mga mapagkunwari na gustong makita sila ng iba habang nananalangin. (Mat 6:5) Malamang na hindi siya nakikita ng iba dahil sa halang na nakapalibot sa bubong. (Deu 22:8) Masarap ding magpahinga sa bubungan kapag gabi dahil malayo ito sa ingay ng kalsada.—Tingnan ang study note sa Mat 24:17.
bandang ikaanim na oras: Mga 12:00 n.t.—Tingnan ang study note sa Mat 20:3.
-