Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 10:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinabi nila: “Pinapunta kami rito ni Cornelio,+ isang opisyal ng hukbo, isang lalaking matuwid at may takot sa Diyos at may mabuting ulat mula sa buong bansa ng mga Judio. Inutusan siya ng Diyos sa pamamagitan ng isang banal na anghel na papuntahin ka sa bahay niya at makinig sa sasabihin mo.”

  • Gawa 10:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinabi nila: “Si Cornelio, na isang opisyal ng hukbo, isang lalaking matuwid at natatakot sa Diyos+ at may mabuting ulat+ mula sa buong bansa ng mga Judio, ay binigyan ng isang banal na anghel ng mga tagubilin mula sa Diyos na ipatawag ka upang pumaroon sa kaniyang bahay at makinig sa mga bagay na sasabihin mo.”

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:22

      Inutusan siya ng Diyos: Ang pandiwang Griego na khre·ma·tiʹzo ay lumitaw nang siyam na beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Mat 2:12, 22; Luc 2:26; Gaw 10:22; 11:26; Ro 7:3; Heb 8:5; 11:7; 12:25) Sa karamihan ng paglitaw nito, iniuugnay ito sa mga bagay na mula sa Diyos. Halimbawa, ang pandiwang ito ay ginamit dito kasama ng ekspresyong “sa pamamagitan ng isang banal na anghel.” Sa Mat 2:12, 22, iniugnay naman ito sa mga panaginip na mula sa Diyos. Ang kaugnay na pangngalan nito na khre·ma·ti·smosʹ ay lumitaw sa Ro 11:4, at sa karamihan ng mga diksyunaryo at salin, tinumbasan ito ng “kapahayagan mula sa Diyos; sagot ng Diyos.” Sa isang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J18 sa Ap. C4), ang mababasa sa Gaw 10:22 ay “inutusan siya ni Jehova.”—Tingnan ang study note sa Gaw 11:26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share