Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 10:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Sinabi niya sa kanila: “Alam na alam ninyo na ipinagbabawal sa isang Judio na makisama o lumapit sa taong iba ang bayang pinagmulan,+ pero ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat ituring na* marumi ang sinuman.+

  • Gawa 10:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 at sinabi niya sa kanila: “Nalalaman ninyong lubos kung paanong di-matuwid na ang isang Judio ay makisama o lumapit sa isang tao ng ibang lahi;+ gayunma’y ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawaging marungis o marumi ang sinumang tao.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:28

      Lubusang Magpatotoo, p. 71-72

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 339

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:28

      ipinagbabawal sa isang Judio: Itinuturo ng mga Judiong lider ng relihiyon noong panahon ni Pedro na ang sinumang pumapasok sa bahay ng isang Gentil ay nagiging marumi sa seremonyal na paraan. (Ju 18:28) Pero wala namang binabanggit sa Kautusang ibinigay sa pamamagitan ni Moises na bawal makipagsamahan sa mga Gentil. Isa pa, ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at mga Gentil ay inalis nang ibigay ni Jesus ang buhay niya bilang pantubos at maitatag ang bagong tipan. Sa ganitong paraan, “pinag-isa niya ang dalawang grupo.” (Efe 2:11-16) Pero kahit noong pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., hindi pa rin naintindihan ng mga alagad ang kahulugan ng ginawa ni Jesus. Sa katunayan, maraming taon pa ang lumipas bago naalis ng mga Judiong Kristiyano ang kaugaliang nakaugat sa kultura nila at itinuro ng mga dati nilang lider ng relihiyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share