Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 11:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Pagkakita rito, isinama niya ito sa Antioquia. Kaya isang buong taon silang nakipagtipon sa kongregasyon at nagturo sa maraming tao, at sa Antioquia unang tinawag na mga Kristiyano+ ang mga alagad sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos.

  • Gawa 11:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 at, nang masumpungan niya ito, dinala niya ito sa Antioquia. Sa gayon ay nangyaring sa loob ng isang buong taon ay nakipagtipon silang kasama nila sa kongregasyon at nagturo sa isang malaking pulutong, at sa Antioquia unang tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad sa pamamagitan ng patnubay mula sa Diyos.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 11:26

      Lubusang Magpatotoo, p. 74-76

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 114-115

      Ang Bantayan,

      7/15/2000, p. 25-26

      6/1/1990, p. 19

      Tagapaghayag, p. 149-150

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11:26

      tinawag . . . sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos: Sa karamihan ng salin, ang mababasa lang dito ay “tinawag.” Pero hindi ginamit dito ang mga salitang Griego na karaniwang isinasaling “tinawag.” (Mat 1:16; 2:23; Mar 11:17; Luc 1:32, 60; Gaw 1:12, 19) Ang salitang ginamit sa talatang ito ay khre·ma·tiʹzo, at siyam na beses itong lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Sa karamihan ng paglitaw nito, maliwanag na tumutukoy ito sa mga bagay na mula sa Diyos. (Mat 2:12, 22; Luc 2:26; Gaw 10:22; 11:26; Ro 7:3; Heb 8:5; 11:7; 12:25) Halimbawa, sa Gaw 10:22, ang pandiwang ito ay ginamit kasama ng ekspresyong “sa pamamagitan ng isang banal na anghel.” Sa Mat 2:12, 22, iniugnay naman ito sa mga panaginip na mula sa Diyos. Ang kaugnay na pangngalan nito na khre·ma·ti·smosʹ ay lumitaw sa Ro 11:4, at sa karamihan ng mga diksyunaryo at salin ng Bibliya, tinumbasan ito ng “kapahayagan mula sa Diyos; sagot ng Diyos.” Posibleng ginabayan ni Jehova sina Saul at Bernabe para gamitin ang katawagang Kristiyano. Sinasabi ng ilan na ginagamit ng mga Gentil sa Antioquia ang katawagang Kristiyano para gawing katawa-tawa o laitin ang isa, pero maliwanag sa pagkakagamit ng terminong Griego na khre·ma·tiʹzo na sa Diyos nanggaling ang katawagang ito. Isa pa, malayong tawagin ng mga Judio ang mga tagasunod ni Jesus na “Kristiyano” (mula sa Griego) o “Mesiyanista” (mula sa Hebreo). Hindi nila kinilala si Jesus bilang Mesiyas, o Kristo, kaya hindi nila tatawaging “Kristiyano” ang mga tagasunod niya dahil magmumukhang tinatanggap nila siya bilang ang Pinahiran, o Kristo.

      Kristiyano: Ang terminong Griego na Khri·sti·a·nosʹ, na nangangahulugang “tagasunod ni Kristo,” ay tatlong beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Gaw 11:26; 26:28; 1Pe 4:16) Galing ito sa Khri·stosʹ, na nangangahulugang Kristo, o Pinahiran. Sinusunod ng mga Kristiyano ang mga turo at halimbawa ni Jesus, “ang Kristo,” o ang pinahiran ni Jehova. (Luc 2:26; 4:18) Sinimulang tawaging mga “Kristiyano” ang mga alagad “sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos” posibleng noong 44 C.E., kung kailan naganap ang mga pangyayaring nakaulat sa talatang ito. Lumilitaw na naging popular ang katawagang iyon, kaya noong humarap si Pablo kay Haring Herodes Agripa II noong mga 58 C.E., kilala na ni Agripa kung sino ang mga Kristiyano. (Gaw 26:28) Ipinahiwatig ng istoryador na si Tacitus na noong mga 64 C.E., ang terminong “Kristiyano” ay gamit na gamit na ng mga tao sa Roma. Isa pa, noong mga 62 hanggang 64 C.E., nang isulat ni Pedro ang unang liham niya sa mga Kristiyanong nakapangalat sa buong Imperyo ng Roma, lumilitaw na kilala na ng mga tao ang mga Kristiyano at ginagamit na nila ang katawagang ito. (1Pe 1:1, 2; 4:16) Dahil sa katawagang ito mula sa Diyos, ang mga alagad ni Jesus ay hindi na mapagkakamalang isang sekta ng Judaismo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share