-
Gawa 13:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 at kasama niya ang proconsul na si Sergio Paulo, isang lalaking matalino. Pagkatawag kina Bernabe at Saul, may-pananabik na hinangad ng taong ito na marinig ang salita ng Diyos.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
proconsul: Titulo ng gobernador ng isang lalawigan na nasa ilalim ng Senado ng Roma. Ang ilang lalawigan sa Roma, gaya ng Judea, ay nasa direktang pamamahala ng emperador, na nag-aatas ng isang gobernador. Dahil ang Ciprus ay napasailalim sa kapangyarihan ng senado noong 22 B.C.E., pinamahalaan ito ng isang proconsul. Isang barya mula sa Ciprus ang natagpuan kung saan makikita sa isang panig ang ulo at titulo ng Romanong emperador na si Claudio (sa Latin) at sa kabila naman ay “Sa Pamamahala ni Cominius Proclus, Proconsul ng mga Taga-Ciprus” (sa Griego).—Tingnan sa Glosari.
-