Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 13:48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 48 Nang marinig ito ng mga tagaibang bansa, nagsaya sila at niluwalhati nila ang salita ni Jehova,* at naging mananampalataya ang lahat ng nakaayon sa* buhay na walang hanggan.

  • Gawa 13:48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 48 Nang marinig ito niyaong mga mula sa mga bansa, sila ay nagsimulang magsaya at lumuwalhati sa salita ni Jehova,+ at ang lahat niyaong mga wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan ay naging mga mananampalataya.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 13:48

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      10/2018, p. 12

      Ang Bantayan,

      7/1/2000, p. 11-12

      1/15/1991, p. 15-17

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13:48

      salita ni Jehova: Tingnan ang study note sa Gaw 8:25 at introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 13:48.

      nakaayon: Ang ekspresyong ito ay tumutukoy sa mga Gentil sa Antioquia ng Pisidia na naging mananampalataya matapos mapangaralan nina Pablo at Bernabe. Maraming kahulugan ang salitang Griego na isinalin ditong “nakaayon” (isang anyo ng pandiwang tasʹso), gaya ng “itakda; iposisyon; iayos; italaga.” Makakatulong ang konteksto para malaman ang kahulugan nito. Makikita sa Gaw 13:46 ang pagkakaiba ng ilang Judio sa Antioquia ng Pisidia at ng mga Gentil na binanggit dito sa talata 48. Noong Sabbath bago mangyari ang ulat na ito, nagbigay ng magandang patotoo si Pablo sa dalawang grupong ito sa pamamagitan ng isang nakakapagpakilos na pahayag. (Gaw 13:16-41) Ayon kina Pablo at Bernabe, itinakwil ng mga Judiong matigas ang ulo ang “salita ng Diyos” at ipinapakita ng saloobin at pagkilos nila na hindi sila “karapat-dapat sa buhay na walang hanggan.” (Gaw 13:46) Pero ibang-iba ang saloobin ng mga Gentil na nasa lunsod na iyon. Sinasabi sa ulat na nagsaya sila at niluwalhati nila ang salita ni Jehova. Kaya sa kontekstong ito, ang pandiwang Griego na tasʹso ay nangangahulugang “ipinosisyon” ng mga di-Judiong ito sa Antioquia ang sarili nila para tumanggap ng buhay na walang hanggan dahil nagpakita sila ng mabuting saloobin o disposisyon. Kaya tama lang na isaling “nakaayon” ang terminong Griego. Pero sa maraming Bibliya, ginamit sa Gaw 13:48 ang mga ekspresyong “nakatadhana; nakatalaga,” na para bang itinadhana ng Diyos ang mga taong ito na magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pero hindi sinusuportahan ng konteksto at ng iba pang bahagi ng Bibliya ang ideya na ang mga Gentil na ito sa Antioquia ay nakatadhana na para sa buhay na walang hanggan, kung paanong hindi rin nakatadhana ang mga Judio na hindi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kinumbinsi ni Pablo ang mga Judio na tanggapin ang mabuting balita, pero desisyon nilang tanggihan ang mensahe. Hindi sila nakatadhanang gawin iyon. Sinabi ni Jesus na makikita sa ginagawa ng ilan na sila ay “hindi karapat-dapat sa Kaharian ng Diyos.” (Luc 9:62) Pero ang mga Gentil sa Antioquia ay kabilang sa mga sinabi ni Jesus na “karapat-dapat” sa mabuting balita dahil sa kanilang saloobin.—Mat 10:11, 13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share