-
Gawa 14:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At tinawag nilang Zeus si Bernabe, pero Hermes naman si Pablo, dahil siya ang nangunguna sa pagsasalita.
-
-
Gawa 14:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 At tinawag nilang Zeus si Bernabe, ngunit Hermes naman si Pablo, yamang siya ang nangunguna sa pagsasalita.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Zeus: Tingnan sa Glosari.
Hermes: Isang Griegong diyos na sinasabing anak ni Zeus. Itinuturing siyang mensahero ng mga diyos. Siya ang pinaniniwalaang matalinong tagapayo ng mga karakter sa mitolohiya, at itinuturing siyang diyos ng komersiyo, mahusay na pagsasalita, kasanayan sa gymnastics, pagtulog, at panaginip. Dahil si Pablo ang nangunguna sa pagsasalita, inakala ng mga nakatira sa Romanong lunsod ng Listra na siya ang diyos na si Hermes, na itinuturing nilang mensahero ng mga diyos at diyos ng mahusay na pagsasalita. Sa katunayan, iba’t ibang salita na may kaugnayan sa pangalang ito ang ginamit sa Kasulatan para tumukoy sa pagsasalin. (Ang ilang halimbawa ay ang pandiwang Griego na her·me·neuʹo, na tinumbasan ng ‘isinasalin’ sa Ju 1:42 at Heb 7:2, at ang pangngalang her·me·niʹa, na tinumbasan ng “magsalin” at “nagsasalin” sa 1Co 12:10; 14:26; tingnan din ang study note sa Luc 24:27.) Isang estatuwa ng diyos na si Hermes at isang altar para kina Zeus at Hermes ang natagpuan malapit sa sinaunang Listra. Sa mga Romano, ang katumbas ni Hermes ay ang kanilang diyos ng komersiyo na si Mercury.
-