-
Gawa 15:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Sinamahan sila ng kongregasyon sa simula ng paglalakbay. Pagkatapos, nagpatuloy sila at dumaan sa Fenicia at Samaria, at inilahad nila roon nang detalyado ang pagkakumberte ng mga tao ng ibang mga bansa, kaya tuwang-tuwa ang lahat ng kapatid.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pagkakumberte: Ang salitang Griego na ginamit dito, e·pi·stro·pheʹ, ay galing sa isang pandiwa na nangangahulugang “bumalik; tumalikod.” (Ju 12:40; 21:20; Gaw 15:36) Sa espirituwal na diwa, puwede itong tumukoy sa paglapit o panunumbalik sa tunay na Diyos at sa pagtalikod sa mga idolo at diyos-diyusan. (Ginamit ang pandiwang ito sa Gaw 3:19; 14:15; 15:19; 26:18, 20; 2Co 3:16.) Sa 1Te 1:9, ang pandiwang ito ay ginamit sa pariralang “kung paanong tinalikuran ninyo ang inyong mga idolo.” Nauuna ang pagsisisi bago ang pagkakumberte.—Tingnan ang study note sa Mat 3:2, 8; Gaw 3:19; 26:20.
-