-
Gawa 15:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Kaya nagpasiya kaming lahat na pumili ng mga lalaking isusugo sa inyo kasama ng mahal naming sina Bernabe at Pablo,
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagpasiya kaming lahat: Lit., “iisa ang naisip namin.” Ilang beses lumitaw sa aklat ng Gawa ang salitang Griego na ho·mo·thy·ma·donʹ, at kadalasan nang inilalarawan nito ang natatanging pagkakaisa ng mga Kristiyano noon. Ang ilang halimbawa ay makikita sa Gaw 1:14, “may iisang kaisipan”; at sa Gaw 4:24, “sama-sama.”
-