-
Gawa 16:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pagkakita niya sa pangitain, sinikap naming makapunta sa Macedonia, dahil iniisip naming ipinatawag kami ng Diyos para sabihin sa kanila ang mabuting balita.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naming: Hanggang sa Gaw 16:9, ang aklat ng Gawa ay isinalaysay sa ikatlong panauhan, ibig sabihin, iniuulat lang ni Lucas ang mga sinabi at ginawa ng iba. Pero pagdating sa Gaw 16:10, nagbago ang istilo niya; isinama na ni Lucas ang sarili niya sa salaysay. Ginamit na niya ang mga panghalip na “namin” at “kami” sa mga bahagi ng aklat kung saan lumilitaw na kasama siya ni Pablo at ng iba pa. (Tingnan ang study note sa Gaw 1:1 at “Introduksiyon sa Gawa.”) Unang sumama si Lucas kay Pablo mula sa Troas papuntang Filipos noong mga 50 C.E., pero nang umalis si Pablo sa Filipos, hindi na niya kasama si Lucas.—Gaw 16:10-17, 40; tingnan ang study note sa Gaw 20:5; 27:1.
sabihin . . . ang mabuting balita: Tingnan ang study note sa Gaw 5:42.
-