Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 16:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 mula roon, pumunta kami sa Filipos,+ isang kolonya, na pangunahing lunsod ng distrito ng Macedonia. Nanatili kami rito nang ilang araw.

  • Gawa 16:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 at mula roon ay sa Filipos,+ isang kolonya, na siyang pangunahing lunsod ng distrito ng Macedonia.+ Nanatili kami sa lunsod na ito, na gumugugol ng ilang araw.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 16:12

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 773

      Gumising!,

      8/22/1997, p. 16-18

      Ang Bantayan,

      9/15/1996, p. 27

      6/15/1990, p. 15-16

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 223

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16:12

      Filipos: Ang lunsod na ito ay dating tinatawag na Crenides (Krenides). Kinuha ni Felipe II ng Macedon (ama ni Alejandrong Dakila) ang lunsod mula sa mga taga-Tracia noong kalagitnaan ng ikaapat na siglo B.C.E. at ipinangalan ito sa sarili niya. Maraming minahan ng ginto sa lugar na ito, at gumawa sila ng mga baryang ginto sa utos ni Felipe. Noong mga 168 B.C.E., tinalo ng Romanong konsul na si Lucio Aemilio Paulo si Perseus, ang huling hari ng Macedonia, at kinuha niya ang Filipos at ang nakapalibot na mga teritoryo. Noong 146 B.C.E., ginawang lalawigan ng Roma ang buong Macedonia. Naganap sa Kapatagan ng Filipos noong 42 B.C.E. ang labanan kung saan tinalo nina Octavian (Octavio) at Mark Antony ang mga hukbo nina Brutus at Gaius Cassius Longinus, ang mga pumatay kay Julio Cesar. Para alalahanin ang malaking tagumpay ni Octavian, ginawa niyang kolonya ng Roma ang Filipos. Pagkalipas ng ilang taon, nang gawin siyang Cesar Augusto ng Senado ng Roma, pinangalanan niya ang lunsod na ito na Colonia Augusta Julia Philippensis.—Tingnan ang Ap. B13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share