Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 16:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Noong araw ng Sabbath, lumabas kami sa pintuang-daan at pumunta sa tabi ng isang ilog, kung saan iniisip naming nagtitipon ang mga tao para manalangin; umupo kami at nagsimulang makipag-usap sa mga babaeng naroon.

  • Gawa 16:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At nang araw ng sabbath ay pumaroon kami sa labas ng pintuang-daan sa tabi ng isang ilog, kung saan iniisip naming may dakong panalanginan; at umupo kami at nagsimulang makipag-usap sa mga babaing nagkatipon.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 16:13

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 774

      Ang Bantayan,

      9/15/1996, p. 27

      6/15/1990, p. 15-16

      Gumising!,

      3/22/1991, p. 26-27

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16:13

      isang ilog: Sinasabi ng maraming iskolar na ang ilog na ito ay ang Gangites, na nasa kanluran ng Filipos at ang layo mula rito ay 2.4 km (1.5 mi), na higit sa haba ng paglalakbay na ipinapahintulot sa araw ng sabbath. Iniisip ng ilan na dahil maraming beteranong sundalong nakatira sa Filipos, pinagbawalan ang mga Judio na magtipon doon para sumamba, kaya kinailangan nilang magtipon sa malayong lugar. Sinasabi naman ng iba na ang ilog na ito ay ang Crenides (Krenides), na mas malapit sa lunsod at tinatawag ng mga tagaroon na Ilog Lydia. Pero may mga natagpuang libingan ng mga Romano doon, at dahil kitang-kita ito ng mga tao, iniisip ng ilan na hindi angkop ang lugar na ito para sa pananalangin. Ipinapalagay rin ng iba na ang tinutukoy dito ay ang tuyong ilog na nasa labas ng Pintuang-Daan ng Neapolis, kung saan maraming simbahang itinayo noong ikaapat o ikalimang siglo C.E. bilang pag-alaala sa pagbisita ni Pablo sa Filipos.

      kung saan . . . nagtitipon ang mga tao para manalangin: Posibleng pinagbawalan ang mga Judio na magtayo ng sinagoga sa Filipos dahil maraming beteranong sundalo sa lunsod na iyon. Isa pa, kailangan ng 10 o higit pang mga lalaking Judio sa lunsod para makapagtayo ng isang sinagoga, pero posibleng hindi man lang umabot sa bilang na iyon ang mga lalaking Judio roon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share