Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 16:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Minsan, nang papunta kami sa lugar kung saan nagtitipon ang mga tao para manalangin, nakasalubong namin ang isang alilang babae na sinasapian ng masamang espiritu, isang demonyo ng panghuhula.+ Malaki ang kinikita ng mga amo niya dahil sa panghuhula niya.

  • Gawa 16:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At nangyari nga na habang paparoon kami sa dakong panalanginan, isang alilang babae na may espiritu,+ isang demonyo ng panghuhula,+ ang sumalubong sa amin. Nakapaglalaan siya sa kaniyang mga panginoon ng maraming pakinabang+ sa pagsasagawa ng sining ng panghuhula.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 16:16

      Kaunawaan, p. 829, 851

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 710-711

      Ang Bantayan,

      11/1/1995, p. 7

      6/15/1990, p. 16

      Mabuhay Magpakailanman, p. 95-96

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16:16

      masamang espiritu, isang demonyo ng panghuhula: Lit., “espiritu ni python.” Ayon sa alamat, Python ang pangalan ng ahas o dragon na nagbabantay sa templo at orakulo ng Delphi sa Gresya. Paglipas ng panahon, ang salitang Griego na pyʹthon ay tumutukoy na rin sa isang tao na nakakapanghula at sa espiritu na nagsasalita sa pamamagitan niya. Nang maglaon, ginamit na rin ito para sa isang ventriloquist, pero dito sa Gawa, tumutukoy ito sa isang demonyo na naging dahilan para makapanghula ang isang babae.

      dahil sa panghuhula: Sa Bibliya, ang mga mahikong saserdote, espiritista, astrologo, at iba pa ay nagsasabing kaya nilang hulaan ang mangyayari sa hinaharap. (Lev 19:31; Deu 18:11) Ang pangyayaring ito sa Filipos ang nag-iisang ulat sa Kristiyanong Griegong Kasulatan kung saan binanggit na nakakapanghula ang mga demonyo. Kinakalaban ng mga demonyo ang Diyos at ang mga gumagawa ng kalooban niya, kaya hindi kataka-takang pinag-usig nang matindi sina Pablo at Silas nang palayasin nila ang demonyong ito ng panghuhula.—Gaw 16:12, 17-24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share