-
Gawa 16:35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Nang mag-umaga na, isinugo ng mga mahistrado sibil ang mga guwardiya para sabihin: “Palayain mo ang mga taong iyan.”
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
guwardiya: Ang salitang Griego na rha·bdouʹkhos, na literal na nangangahulugang “tagapagdala ng pamalo,” ay isang tagapaglingkod ng Romanong mahistrado na lagi niyang kasama at sumusunod sa utos niya. Ang terminong Romano para dito ay lictor. Ang ilan sa ginagawa ng mga guwardiyang ito ay gaya ng sa mga pulis, pero hindi sila humihiwalay sa mahistrado, at pananagutan nilang paglingkuran siya. Hindi ang mga mamamayan ang sinusunod nila kundi ang mahistrado.
-