-
Gawa 17:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Pumunta siya sa sinagoga at nakipagkatuwiranan doon sa mga Judio at sa iba pa na sumasamba sa Diyos, at araw-araw din siyang nakikipagkatuwiranan sa sinumang nasa pamilihan.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pamilihan: Ang pamilihan (sa Griego, a·go·raʹ) ng Atenas, na matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Akropolis, ay may lawak na mga limang ektarya. Hindi lang ito isang lugar para mamilí at magbenta. Sentro din ito ng ekonomiya, politika, at kultura ng lunsod. Gustong-gusto ng mga taga-Atenas na magtipon-tipon dito para pag-usapan ang intelektuwal na mga paksa.
-