-
Gawa 17:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Kaya dinala nila siya sa Areopago at sinabi: “Puwede bang malaman kung ano ang bagong turong ito na sinasabi mo?
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Areopago: O “Burol ni Ares.” Si Ares ang Griegong diyos ng digmaan. Ang Areopago ay nasa hilagang-kanluran ng Akropolis, at dito karaniwang nagtitipon ang pangunahing konseho ng Atenas. Ang terminong “Areopago” ay puwedeng tumukoy sa mismong burol o sa konseho. (Gaw 17:34) Kaya ipinapalagay ng ilang iskolar na dinala si Pablo sa burol na ito o malapit dito para pagtatanungin. Naniniwala naman ang ibang iskolar na dinala siya sa pulong ng konseho sa ibang lugar, posibleng sa pamilihan. Dahil ang katumbas ni Ares na Romanong diyos ay si Mars, ang lugar na ito ay tinawag sa ilang salin na “Burol ni Mars.”
-