Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 17:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Halimbawa, habang naglalakad ako at pinagmamasdan ang mga bagay na sinasamba ninyo, may nakita akong isang altar kung saan nakasulat, ‘Sa Isang Di-kilalang Diyos.’ Ang Diyos na ito na sinasamba ninyo pero hindi ninyo kilala, ito ang ipinahahayag ko sa inyo.

  • Gawa 17:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Bilang halimbawa, habang dumaraan at maingat na nagmamasid sa mga bagay na inyong pinakukundanganan ay nakasumpong din ako ng isang altar na doon ay nakasulat ‘Sa Isang Di-kilalang Diyos.’ Kaya nga yaong pinag-uukulan ninyo ng makadiyos na debosyon nang di-namamalayan, ito ang ipinahahayag ko sa inyo.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 17:23

      Mahalin ang mga Tao, aralin 5

      Lubusang Magpatotoo, p. 143

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 100, 244

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 597

      Ang Bantayan,

      3/1/2012, p. 18

      7/15/2010, p. 30

      7/15/2002, p. 32

      2/15/1989, p. 6-7

      Gumising!,

      3/2011, p. 18

      Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, p. 69

      Salita ng Diyos, p. 64

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17:23

      Sa Isang Di-kilalang Diyos: Ang mga salitang Griego na A·gnoʹstoi the·oiʹ ay mababasa sa inskripsiyon sa isang altar sa Atenas. Takót sa mga bathala ang mga taga-Atenas kaya gumawa sila ng maraming templo at altar para sa mga ito. Gumawa pa nga sila ng mga altar para sa Kasikatan, Kapakumbabaan, Lakas, Panghihikayat, at Awa, na itinuturing din nilang mga bathala. Posibleng sa takot na may diyos na hindi sila maparangalan at magalit ito sa kanila, nagtayo sila ng isang altar para sa “Isang Di-kilalang Diyos.” Sa pamamagitan ng altar na ito, inaamin nila na may isang Diyos na hindi pa nila kilala. Ginamit ni Pablo ang altar na ito para makapangaral at maipakilala sa mga tagapakinig ang Diyos—ang tunay na Diyos—na hindi pa nila kilala hanggang sa pagkakataong iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share