-
Gawa 18:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pagkatapos, umalis siya sa Atenas at pumunta sa Corinto.
-
-
Gawa 18:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay lumisan siya sa Atenas at dumating sa Corinto.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Corinto: Isa sa pinakamatatanda at pinakaprominenteng lunsod ng sinaunang Gresya. Makikita ito mga 5 km (3 mi) sa timog-kanluran ng lunsod ng Corinto sa ngayon. Naging mahalaga at napakayaman ng lunsod na ito pangunahin nang dahil sa magandang lokasyon nito sa ismo, o isang makitid na lupa, na nagdurugtong sa gitnang Gresya at sa Peloponnese sa timugang peninsula. Bukod sa kalakalan sa pagitan ng hilaga at timugang Gresya, kontrolado rin ng Corinto ang paglalayag ng mga barko sa pagitan ng silangan at kanluran ng Dagat Mediteraneo, dahil mas ligtas na dumaan sa ismo kaysa umikot sa Gresya. Ang Acaya, bukod sa Macedonia, ay tinatawag ng mga Romano na Gresya. Naging lalawigan ito ng Roma sa ilalim ng pangangasiwa ng Senado noong namamahala si Cesar Augusto, at naging kabisera nito ang Corinto. (Tingnan ang study note sa Gaw 18:12.) Maraming Judio ang nanirahan sa Corinto at nagtayo sila roon ng isang sinagoga, kaya may mga nahikayat silang mga Griego. (Gaw 18:4) Pinatunayan ng unang-siglong manunulat na si Philo at ng isang sinaunang inskripsiyong Griego sa isang hambang marmol na natagpuan malapit sa pintuang-daang nakaharap sa daungan ng Lechaeum na may mga Judio sa Corinto noon. Ang mababasa sa inskripsiyon ay “[Sy·na·]go·geʹ He·br[aiʹon],” na nangangahulugang “Sinagoga ng mga Hebreo.” May mga nagsasabi na ang hambang iyon ay mula pa noong panahon ni Pablo, pero mas marami ang naniniwala na hindi naman iyon ganoon kaluma.—Tingnan ang Ap. B13.
-