-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Aquila: Ang tapat na Kristiyanong asawang ito, pati na ang tapat na asawa niyang si Priscila (kilalá ring Prisca), ay tinawag na “mga kamanggagawa” ni Pablo. (Ro 16:3) Anim na beses na lumitaw ang pangalan nila sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (Gaw 18:18, 26; 1Co 16:19; 2Ti 4:19), at lagi silang binabanggit nang magkasama. Ang Priscila ay ang pangmaliit na anyo ng pangalang Prisca. Ang maikling anyo ay makikita sa isinulat ni Pablo, at ang mahaba naman ay sa isinulat ni Lucas. Karaniwan lang sa mga pangalang Romano na magkaroon ng higit sa isang anyo. Nanirahan sa Corinto sina Aquila at Priscila nang palayasin ni Emperador Claudio sa Roma ang mga Judio noong 49 C.E. o unang bahagi ng 50 C.E. Nang dumating si Pablo sa Corinto noong taglagas ng 50 C.E., nakatrabaho niya sa paggawa ng tolda ang mag-asawang ito. Tiyak na tinulungan nina Aquila at Priscila si Pablo sa pagpapatibay sa bagong kongregasyon doon. Si Aquila ay katutubo ng Ponto, isang rehiyon sa hilagang Asia Minor sa may baybayin ng Dagat na Itim.—Tingnan ang Ap. B13.
-