-
Gawa 18:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Alinsunod dito ay lumipat siya mula roon at pumasok sa bahay ng isang tao na nagngangalang Titio Justo, isang mananamba ng Diyos, na ang bahay ay katabi ng sinagoga.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mula roon ay lumipat siya: Ibig sabihin, mula sa sinagoga papunta sa bahay ni Titio Justo, kung saan ipinagpatuloy ni Pablo ang pangangaral niya. Nakatira pa rin si Pablo kina Aquila at Priscila habang nasa Corinto siya, pero lumilitaw na sa bahay ni Justo karaniwang nangangaral sa mga tao ang apostol.—Gaw 18:3.
Titio Justo: Mánanampalatayáng taga-Corinto na tinawag na mananamba ng Diyos, isang ekspresyon na nagpapakitang isa siyang Judiong proselita.—Tingnan ang study note sa Gaw 13:43; 16:14.
-