-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Cencrea: Isa sa mga daungan ng Corinto. Makikita ito mga 11 km (7 mi) sa silangan ng Corinto, sa panig ng isang makitid na ismo na nakaharap sa Gulpong Saronic. Ang Cencrea ay ang daungan ng Corinto para sa mga nasa silangan ng Gresya, at ang Lechaeum naman, na nasa kabilang panig ng ismo, ang daungan ng Corinto para sa Italya at iba pang lugar sa kanluran ng Gresya. Sa kasalukuyan, may makikita ritong guho ng mga gusali at pangharang sa alon, malapit sa nayon ng Kehries (Kechriais) sa ngayon. Ayon sa Ro 16:1, may kongregasyong Kristiyano sa Cencrea.—Tingnan ang Ap. B13.
-