-
Gawa 18:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 at bumaba sa Cesarea. At umahon siya at binati ang kongregasyon, at bumaba sa Antioquia.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Pinuntahan niya ang: Lit., “Umakyat siya sa.” Kahit hindi espesipikong binanggit sa tekstong Griego ang lunsod ng Jerusalem, lumilitaw na doon papunta si Pablo. Ang lunsod ay mga 750 m (2,500 ft) ang taas mula sa lebel ng dagat, kaya karaniwan nang sinasabi sa Kasulatan na ang mga mananamba ay “paakyat” sa Jerusalem. Sa katunayan, maraming beses na ginamit ang pandiwang Griego na a·na·baiʹno (“umakyat”) kapag espesipikong binabanggit ang Jerusalem bilang destinasyon. (Mat 20:17; Mar 10:32; Luc 18:31; 19:28; Ju 2:13; 5:1; 11:55; Gaw 11:2; 21:12; 24:11; 25:1, 9; Gal 2:1) Bukod diyan, ginamit din sa talatang ito ang pandiwang ka·ta·baiʹno, na literal na nangangahulugang “bumaba.” Ginagamit kung minsan ang pandiwang ito para ilarawan ang pag-alis sa Jerusalem.—Mar 3:22; Luc 10:30, 31; Gaw 24:1, 22; 25:7.
-