Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At si Apolos,+ isang Judio na katutubo ng Alejandria, ay dumating sa Efeso; mahusay siyang magsalita at maraming alam sa Kasulatan.

  • Gawa 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At isang Judio na nagngangalang Apolos,+ isang katutubo ng Alejandria, isang lalaking mahusay magsalita, ang dumating sa Efeso; at siya ay bihasa sa Kasulatan.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 18:24

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 157

      Ang Bantayan,

      10/1/1996, p. 20-21

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18:24

      Apolos: Judiong Kristiyano na lumilitaw na lumaki sa lunsod ng Alejandria, ang kabisera ng Ehipto, na lalawigan ng Roma. Ang Alejandria ay sentro ng mataas na edukasyon, at kilalá ito sa malaking aklatan nito. Sa Imperyo ng Roma, ito ang ikalawang pinakamalaking lunsod, sumunod sa lunsod ng Roma, at maraming nakatirang Judio rito. Isa ito sa mga pinakaimportanteng sentro ng kultura at edukasyon ng mga Judio at Griego. Dito ginawa ang Griegong salin ng Hebreong Kasulatan na tinatawag na Septuagint. Posibleng ito ang dahilan kaya sinabing maraming alam [lit., “makapangyarihan”] si Apolos sa Kasulatan, o sa Hebreong Kasulatan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share