-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Daan: Tingnan ang study note sa Gaw 9:2; 19:23 at Glosari.
awditoryum ng paaralan ni Tirano: Walang detalyeng mababasa kung anong paaralan ito, pero lumilitaw na ipinagamit ang mga pasilidad nito kay Pablo, posibleng nang ilang oras bawat araw. Sa ilang sinaunang manuskrito, idinagdag ang “mula sa ika-5 hanggang sa ika-10 oras,” o mula mga 11:00 n.u. hanggang mga 4:00 n.h. Dahil hindi mababasa ang pariralang ito sa maraming sinaunang manuskrito, lumilitaw na hindi ito bahagi ng orihinal na teksto. Pero ayon sa ilan, kahit idinagdag lang ito, makatuwiran ang oras na ito at posibleng ito ang pang-araw-araw na iskedyul ni Pablo noong nasa Efeso siya. Kung totoo iyan, lumilitaw na sinamantala ni Pablo ang pagkakataong turuan ang mga alagad habang mainit at tahimik ang paligid at marami ang nagpapahinga.
-