-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mahika: Ang salitang Griego para sa “mahika” ay pe·riʹer·ga, na nangangahulugang “pagkamausisa.” Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang ito ay “tumutukoy sa pagkamausisa sa mali o di-angkop na mga bagay . . . gaya ng mahika.” (A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature, Ikatlong Edisyon, 2000) Lumalarawan ito sa paggawa ng ipinagbabawal na mga bagay sa tulong ng masasamang espiritu. Marami ang nagsasagawa ng mahika at ng iba pang anyo ng demonismo sa Efeso. Kaya sa liham ni Pablo sa mga taga-Efeso, pinayuhan niya silang isuot ang kumpletong kasuotang pandigma mula sa Diyos para malabanan nila ang masasamang espiritu.—Efe 6:11, 12.
50,000 pirasong pilak: Kung ang “pirasong pilak” dito ay tumutukoy sa drakma o denario, kakailanganin ng isang manggagawa na magtrabaho nang 50,000 araw, o pitong araw kada linggo sa loob ng mga 137 taon, para kitain ang perang iyon.
-