-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Artemis: Si Artemis ng Efeso ang diyosa ng pag-aanak, na sinasamba sa mga lunsod sa Asia Minor. (Gaw 19:27) Ang mga estatuwa ni Artemis ay nadedekorasyunan ng alinman sa maraming suso, itlog, at bayag ng inihaing mga toro. Ang ibabang bahagi naman ng katawan nito ay gaya ng mummy at nadedekorasyunan ng iba’t ibang simbolo at larawan ng hayop. Ang mga Griego ay may birheng diyosa ng pangangaso na nagngangalan ding Artemis, pero iba ito sa Artemis ng Efeso. Ang pangalang Romano na katumbas ng Artemis ay Diana.
-