-
Gawa 20:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Noong unang araw ng sanlinggo, nang magkakasama kami para kumain, nagsimulang magpahayag si Pablo, dahil aalis na siya kinabukasan; at nagpahayag siya hanggang hatinggabi.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kumain: Lit., “magpira-piraso ng tinapay.” Karaniwang pagkain ang tinapay sa sinaunang Gitnang Silangan; kaya nang maglaon, tumutukoy na ito sa kahit anong pagkain. Karaniwan nang lapád at matigas ang tinapay noon. Kaya naman pinagpipira-piraso ito kapag kinakain imbes na kutsilyuhin. Madalas na ganiyan ang ginagawa ni Jesus. (Tingnan ang study note sa Mat 14:19; tingnan din ang Mat 15:36; Luc 24:30.) Nang pasimulan ni Jesus ang Hapunan ng Panginoon, kumuha siya ng tinapay at pinagpira-piraso ito. Dahil karaniwan namang pinagpipira-piraso ang tinapay, wala itong makasagisag na kahulugan. (Tingnan ang study note sa Mat 26:26.) May mga nagsasabi na ang paglitaw ng ekspresyong ito sa ilang bahagi ng aklat ng Gawa ay tumutukoy sa pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon. (Gaw 2:42, 46; 20:7, 11) Pero sa tuwing binabanggit ang Hapunan ng Panginoon, laging iniuugnay ang pagpipira-piraso ng tinapay sa pag-inom ng alak sa kopa. (Mat 26:26-28; Mar 14:22-25; Luc 22:19, 20; 1Co 10:16-21; 11:23-26) Magkasinghalaga ang dalawang ito. Kaya sa tuwing babanggitin ang pagpipira-piraso ng tinapay nang walang kasamang pag-inom sa kopa, hindi ito tumutukoy sa Hapunan ng Panginoon, kundi sa karaniwang pagkain lang. Isa pa, walang ipinapahiwatig sa Kasulatan na gusto ni Jesus na alalahanin ang kamatayan niya nang mas madalas sa pagdiriwang ng kapistahang pinalitan nito, ang Paskuwa, na isang beses lang ipinagdiriwang sa isang taon.
-