Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero mula sa Mileto, nagpadala siya ng mensahe sa Efeso para ipatawag ang matatandang lalaki ng kongregasyon.

  • Gawa 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Gayunman, mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso at ipinatawag ang matatandang lalaki+ ng kongregasyon.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 20:17

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 399

      Ang Bantayan,

      10/15/2004, p. 18

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20:17

      matatandang lalaki: Sa Bibliya, ang terminong Griego na pre·sbyʹte·ros ay pangunahing tumutukoy sa mga may malaking awtoridad at pananagutan sa isang komunidad o bansa. Kung paanong mga lalaking may-gulang sa espirituwal ang nangunguna at nangangasiwa sa mga lunsod sa sinaunang bansang Israel, mga lalaking may-gulang din sa espirituwal ang nanguna sa iba’t ibang kongregasyong Kristiyano noong unang siglo C.E. Sa ulat na ito, kung saan ipinatawag ni Pablo ang matatandang lalaki sa Efeso, maliwanag na higit sa isa ang matandang lalaki sa kongregasyong iyon. Ang bilang ng matatandang lalaki sa bawat kongregasyon ay nakadepende sa dami ng may-gulang na mga lalaki na kuwalipikado sa atas na ito. (1Ti 3:1-7; Tit 1:5-8) Sa unang liham ni Pablo kay Timoteo, na malamang na nakatira noon sa Efeso, may binanggit siyang “lupon ng matatandang lalaki.”—1Ti 1:3; 4:14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share