-
Gawa 20:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “At alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli, kayong lahat na pinangaralan ko tungkol sa Kaharian.
-
-
Gawa 20:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 “At ngayon, narito! alam ko na kayong lahat na pinaroonan ko upang pangaralan ng kaharian ay hindi na makakakita pa sa aking mukha.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pinangaralan: Ang salitang Griego para dito ay nangangahulugang “maghayag bilang isang mensahero sa publiko.” Itinatampok nito ang paraan ng paghahayag, na karaniwan nang hayagan at sa publiko, sa halip na pagbibigay ng sermon sa isang grupo. Hindi nagbago ang paksang ipinangangaral ng mga Kristiyano: “ang Kaharian ng Diyos.”—Gaw 28:31.
Kaharian: Tumutukoy sa Kaharian ng Diyos. Ito ang pinakatema ng buong Bibliya, at itinatampok ito sa aklat ng Gawa. (Gaw 1:3; 8:12; 14:22; 19:8; 20:25; 28:23, 31) Sa ilang sinaunang salin, gaya ng Latin na Vulgate at Syriac na Peshitta, ang mababasa ay “Kaharian ng Diyos.” Sa isang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J17 sa Ap. C4), ginamit ang pangalan ng Diyos at ang buong ekspresyon ay puwedeng isalin na “Kaharian ni Jehova.”
-