-
Gawa 21:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Natanaw namin ang isla ng Ciprus sa gawing kaliwa. Pero nilampasan namin iyon at naglayag papuntang Sirya at dumaong sa Tiro, kung saan ibababa ng barko ang kargamento nito.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
gawing kaliwa: O “bahagi ng daungan.” Lumilitaw na dumaan ang barko sa timog-kanluran ng isla ng Ciprus habang naglalayag ito pasilangan papuntang Tiro. Mga siyam na taon na ang nakakalipas, sa unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero kasama sina Bernabe at Juan Marcos, napaharap sila sa mangkukulam na si Elimas, na kumontra sa pangangaral nila sa Ciprus. (Gaw 13:4-12) Nang makita ulit ni Pablo ang Ciprus at maalala niya ang mga nangyari doon, siguradong napatibay at napalakas siya na harapin ang susunod na mga pagsubok.
-